29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Ika-47 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino at Ikalawang Pambansang Kumperensiya sa Ginhawa

- Advertisement -
- Advertisement -

TAON-TAON, nagtataguyod ng Pambansang Kumperensiya ang National Association for Sikolohiyang Pilipino, Inc. (Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino), isang panlipunan at propesyonal organisasyong may misyong palaganapin ang Sikolohiyang Pilipino (SP) sa iba’t ibang sektor ng lipunan bilang isang inter-disiplinaryo at maka-Pilipinong pananaw at pamamaraan. Ngayong taon, gaganapin ito sa  Nobyembre 23-24, 2023 via Zoom. Para sa  Indibidwal na Paglalahad: https://bit.ly/pksp47papel  at Panel o Symposium: https://bit.ly/pksp47panel. Sa Oktubre 20 ang deadline.

Komprehensibong tinatalakay sa mga pambansang kumperensiya ang isang piling tema. Ngayong taon, isasagawa ng PSSP katuwang ang UP Diliman Psychosocial Services (UPD PsycServ) ang Ika-47 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang katambal ang Ikalawang Pambansang Kumperensiya sa Ginhawa na may temang “Mga Landasin Tungo sa Pagsasabuhay ng Ginhawa.”

 

Dalawang taon na ang nakalipas nang idaos noong 2021 ang kauna-unahang kumperensiya sa ginhawa na naglayong palalimin ang ating pag-unawa at karanasan ng ginhawa lalo na’t nasa gitna tayo ng pandemya noong panahong iyon. Nakamit ng unang kumperensiya ang layuning pagtipunin ang mga mananaliksik at tagapagbigay ginhawa sa isang espasyong ligtas at bukas, at may pagpapahalaga sa iba’t ibang pananaw at karanasan.

 

Mula sa pagsasama ng mga mananaliksik at tagapagbigay ng ginhawa para pag-usapan ang mga panimulang lapit, teorya at pamamaraan sa pagpapadaloy ng ginhawa sa Ika-47 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang, ang Ikalawang Pambansang Kumperensiya sa Ginhawa ay magpopokus sa pagdanas nito sa buhay nating mga nasa larangan ng pag-aaral ng tao at lipunan, upang ang ginhawa ay hindi lamang manatiling teoretikal na usapin, ngunit isang realidad na naisasabuhay.

Mga layunin ng kumperensiya

Matapos ang magkasamang kumperensiyang ito, inaasahang ang mga kalahok ay:

  1. Magkaroon ng dagdag na kaalaman at kabatiran ang mga kalahok tungkol sa lugar ng ginhawa sa kanilang mga personal at propesyonal na tahakin;
  2. Makapagbulay tungkol sa mga aral at best practices ng nakaraang tatlong taon ng pandemiya, na mabuting ipagpatuloy, palaganapin, at pagtibayin;
  3. Makapaglinang ng mga pamamaraan ng pangangalaga sa sariling ginhawa;
  4. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kalipunan o network ng mga kapwa iskolar, propesyonal, at mga tagapagtaguyod ng ginhawa;
  5. Magtampok ng mga bagong pananaliksik sa kultura, lipunan at sikolohiyang Pilipino; at
  6. Magbahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa Sikolohiyang Pilipino.

Inaanyayahan ang lahat ng may pananaliksik na kaugnay ng paksa na magsumite ng kanilang abstrak. Tatanggapin din ang mga pag-aaral tungkol sa mga kultural na konseptong sikolohikal, identidad, pagpapahalagang Pilipino, wika, sikolohiya ng LGBT, pakikipag-ugnayan, migrasyon, isyung panlipunan, atbp. na makakatulong sa pag-unawa ng karanasan ng mga Pilipino. Ang mga papel ay maaaring kwantitatibo, kwalitatibo, teoretikal, o rebyu.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -