26.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Paglilinis sa mga sementeryo, sinimulan na sa Caloocan

- Advertisement -
- Advertisement -

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang preparasyon para sa paggunita ng All Saints’ at All Souls’ Days ngayong taon.

Para sa selebrasyon ng Undas, nagsagawa ng cleaning operations ang City Environmental Management Department (CEMD) at ang Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) sa mga lokal na sementeryo noong Oktubre 9.

Ang mga tauhan mula sa nasabing mga departamento ay nakapaglinis na ng mahigit 70 porsiyento ng lahat ng mga pampublikong sementeryo at target din nilang magsagawa ng operasyon sa mga pribadong sementeryo bago matapos ang buwan.

Binanggit ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na ang maagang paghahanda na ginawa ng pamahalaang lungsod sa inaasahang dami ng mga tao na dadagsa sa mga sementeryo sa lungsod upang bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

“Gaya po ng mga nangyari noong nagdaang taon, inaasahan na po nating dadagsa muli ang mga kababayan natin upang dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay. Mas mainam na pong maaga na nating simulan ang paghahanda upang makatulong na rin lalo na sa mga bisitang biya-biyahe pa mula sa iba’t-ibang probinsya,” anang alkalde.

Mayor Along reminded everyone to plan ahead and be vigilant especially with the presence of big visiting crowds and likewise assured his constituents that the city government will consistently provide assistance during the Undas season.

Pinaalalahanan ni Malapitan ang lahat na magplano nang maaga at maging mapagmatyag lalo na sa pagkakaroon ng maraming bisita.

“Ngayon pa lamang po, pinapaalalahanan na natin ang ating mga kababayan na bago bumisita sa mga sementeryo ay paghandaan na ang mga dadalhin at mga rutang dadaanan upang maiwasan ang mga aberya. Maging mapagmatyag din sa mga posibleng emergency situations na maaring mangyari sa inyong mga lugar,” dagdag ng alkalde.

“Para sa lahat ng mga concerns, huwag mag-alinlangan na ipagbigay-alam ang mga ito sa mga awtoridad. Nakahanda na po ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na magbigay ng tulong sa mga nangangailangan sa darating na Undas,” wika pa niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -