Sa kamakailang social listening report ng Capstone-Intel Corporation kung saan lumabas na sa kabuuang 24,967 pagbanggit sa social at non-social media platforms ng “Israel-Hamas” war, 90 porsiyento sa mga ito ay negatibo, na nagpapakita ng malaking papel ng pamahalaan ng Pilipinas na tugunan ang isyu.

Sa top posts, ang multimedia news na ulat mula sa TV Patrol na nagsasabi kung paano nagbanta na papatayin ng militanteng Hamas ang kanilang sibilyang bihag sakaling hindi ititigil ng Israel ang mga pag-atake ng missile nito sa Gaza ay nakakuha ng pinakamataas engagement score na 9,366.2. Ito ay sinundan ng isa pang ulat ng TV Patrol na nagsasalaysay kung paano nakaligtas ang isang Pinoy caregiver at pinrotektahan ang mga matatandang inaalagaan niya nang looban sila sa kanilang tahanan ng ilang miyembro ng Hamas. Ang kuwentong ito ay nakatanggap ng 6,046.8 engagement score.
Samantala, ang ikatlong pinakapinag-usapan ay ang ulat ng ABS-CBN News kung saan pinuri ng isang opisyal ng Israel ang “unimaginable honor” ng isang Pilipinang nurse na kalunos-lunos na nasawi sa bakbakan ng Israel-Hamas. Inilahad ng deputy mayor ng Jerusalem na tumanggi ang overseas Filipino worker na lumikas nang wala ang kanyang matatandang pasyente. Ang kuwento ay nagbunga ng kabuuang 2,131.9 engagement score, ayon sa datos ng Capstone-Intel.
Sa pagsusuri ng lakas ng paksa sa pagbanggit nito online, kasama ng top posts, sinabi ng Capstone-Intel na ito ang panahon para sa pambansang pamahalaan at mga kaugnay na ahensya na may kinalaman sa isyu na simulan ang kanilang mga pagsisikap na maiuwi ang lahat ng iba pang overseas Filipino workers (OFWs). upang hindi na madagdagan ang mga nasawi dahil sa digmaan sa Israel.
Gayunman, sa haba ng pag-aaral ng Capstone-Intel, walang nalamang anumang balitang may kaugnayan sa Palestine na nagpapakita ng coverage na pinangungunahan ng Israel mula sa mga ahensya ng media sa Pilipinas.
“The 90 percent negative mentions across social and non-social media platforms, along with the top engaging posts about the topic in the Philippines, show how worried Filipinos are about the state of OFWs and even locals in Israel,” ayon sa Capstone-Intel.
“This has to be acted upon immediately to ensure that they are safe enough from the rubble of the raging war,” dagdag pa nito.
Ayon pa sa research and intelligence company, kasama ng repatriation efforts, dapat ding ibigay ng pambansang pamahalaan ay ang pinansyal at emosyonal na tulong sa mga umuuwing OFW upang makabangon mula sa trauma na maaaring dulot ng digmaan sa kanila.
“It is imperative that we not only have repatriation efforts but also assistance for returning OFWs so they can rebuild their lives economically and emotionally,” ayon sa Capstone-Intel.
“In addition, it is essential to establish reintegration programs that provide returning OFWs with opportunities for sustainable livelihood and gainful work. This may encompass the provision of skills training and job placement services,” ani pa nito.