29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Benepisyo ng pagiging miyembro ng kooperatiba, tinalakay ng CDA-CAR

- Advertisement -
- Advertisement -

TINALAKAY ng Cooperative Development Authority-Cordillera (CDA-CAR) ang ilan sa mga benepisyo ng pagiging miyembro ng isang kooperatiba.

Ayon kay CDA-CAR Supervising Cooperative Development Specialist Felicidad Cenon, kapag miyembro ng kooperatiba ay maaaring magkaroon ng access sa credit, at pagdating sa leadership ay ang mga miyembro rin ang mamamahala sa kooperatiba.

Aniya, may benepisyo rin na makukuha ang miyembro ng kooperatiba partikular na ang interes ng share capital at patronage refund.

“The interest on share capital is base sa kanilang investment o paid up capital na ibinigay sa kooperatiba. Kung kumikita ang kooperatiba, maganda ang takbo nito, at the end of the year or during the regular general assembly, they usually have the interest on share capital,” paliwanag ni Cenon.

Ang patronage naman ay isa sa mga probisyon ng Philippine Cooperative Code of 2008.

“Sa mga members na gumagamit ng services ng kooperatiba, makukuha nila ang kanilang patronage refund, the same dun sa interest capital, ang difference lang ng benefit na ito is ang makakukuha ay ang mga gumamit ng serbisyo ng kooperatiba,” dagdag nito.

Dahil dito ay pinaalalahanan niya ang mga miyembro na tangkilikin ang produkto at serbisyo na alok ng kooperatiba kung saan sila miyembro upang magkaroon ito ng kita.

Batay sa tala ng CDA-CAR, siyam ang billionaire cooperatives sa Cordillera as of 2021. Una na rito ang Benguet Electric Cooperative na sinundan ng Benguet State University and Community Multipurpose Cooperative, Tabuk Multipurpose Cooperative, Baguio-Benguet Community Credit Cooperative, Abra Diocesan Teachers and Employees MPC, Lagawe Multipurpose Development Cooperative, Treasure Link Cooperative, Lamut Grassroots Savings and Development Cooperative, at Bokod Sulphur Spring Multipurpose Cooperative.

Sa nasabi ring taon ay 52 ang large cooperatives o mga total assets na mahigit P100 million, 102 ang medium o mga may total assets na P15 million to P100 million, 133 ang small o mga may total assets na P3 million to P15 million, habang 283 ang micro o mga may total assets na below P3 million.

Sa ngayon ay kinakalap pa ng CDA-CAR ang datos para sa taong 2022. (DEG-PIA CAR)

CAPTION

Ibinahagi ni CDA-CAR Supervising Cooperative Development Specialist Felicidad Cenon ang ilan sa mga benepisyo ng pagmi-miyembro sa coop sa Usapang PIA Teleradyo noong Oktubre 26, 2023. (PIA-CAR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -