26.1 C
Manila
Lunes, Enero 20, 2025

Kauna-unahang vegetable derby sa Calapan, inilunsad

- Advertisement -
- Advertisement -

INILUNSAD ng City Agricultural Services Department (CASD) ang Vegetable Derby 2023 katuwang ang tatlong seed companies na siyang namahagi ng mga binhi ng iba’t-ibang uri ng gulay na itinanim sa 3,000 metro kwadradong lupain sa Brgy. Personas sa lungsod na ito noong Nobyembre 10.

Ilan sa mga gulay na makikita sa Vegetable Derby 2023 ay mga sili at talong na itinanim ng Samahan ng mga Maggugulay sa Kanlurang Calapan sa Barangay Personas na pinangasiwaan ng City Agricultural Services Department. (Larawan kuha ni Dennis Nebrejo/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro)

Sa panayam kay CASD Head, Lorelein Sevilla, sinabi nito na, “Ito ang kauna-unahang vegetable derby sa Calapan na kung saan may tatlong seed companies ang nagpakita ng kanilang interes para ipakilala ang kanilang mga produkto sa mga magsasaka at malayang makakapamili kung anong binhi ang maaari sa kanilang lugar.”

Katuwang sa programa ang Samahan ng mga Maggugulay sa Kanlurang Calapan na siyang nagtanim ng mga gulay na naka base sa naturang barangay sa pakikipag-ugnayan ni CASD Project Coordinator at Supervising Agriculturist Rene Datinguinoo.

“Maaari kayong pumunta sa lugar na ito upang makita ang ganda ng mga gulay at maging inspirasyon sa inyo tulad namin,” pagtatapos na mensahe ni Sevilla. (DN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -