30.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 6, 2024

Naujan LGU, patuloy ang seguridad kontra ASF

- Advertisement -
- Advertisement -

PATULOY pa rin ang isinasagawang seguridad ng pamahalaang bayan ng Naujan, Oriental Mindoro upang maiwasan ang pagkalat ng Africe Swine Fever (ASF) sa bayan.

Sa pagtutuwang ng mga kawani ng Naujan Municipal Agriculture Office, Naujan ASF Task force, Sangguniang Barangay, at mga kooperatiba sa Naujan, Oriental Mindoro patuloy na pinapaigting a seguridad sa bayan kontra ASF. (Larawan mula Naujan Information Office)

Ipinag-utos ni Mayor Henry Joel Teves sa mga kawani ng Municipal Agriculture Office (MAO) katuwang ang iba’t-ibang ahensiya na magsagawa ng blood sampling sa mga hog raising farms na may posibleng kaso ng ASF.

Ayon sa isinagawang municipal-wide surveillance sa mga barangay ng bayan, nananatili pa ring negative sa ASF viral DNA test ang lahat ng mga kinuhanan ng samples ng dugo.

Bukod dito, inihanda ng MAO ang mga kinakailangang dokumento para sa Bureau of Animal Industry (BAI), partikular sa Justification of ASF Incursion at ang request for Reinstatement ng Recognition on Active Surveillance on ASF (RAS-ASF) sa Naujan upang muling mabuksan ang merkado sa bayan para sa mga mamimili ng produktong baboy, gayundin upang muling makapaglabas ng mga produktong baboy sa labas ng Naujan.

Bukod sa mga hakbang na nabanggit, nagtalaga rin ang pamahalaang bayan ng ilang mga patakaran sa mga mamimili ng baboy tulad ng pagkakaroon ng lisensya mula sa Kagawaran ng Pagsasaka ng mga hauler na magmumula sa mga bayan o siyudad ng Oriental Mindoro na walang naitalang kaso ng ASF. Gayundin, kinakailangang iparehistro sa MAO ang mga sasakyan na gagamitin sa pagluluwas ng mga baboy na siya namang magiging batayan sa pag-iisyu ng hog transport pass sticker.

Upan maisiguro naman na mapapalakas ang proteksyon ng mga hog raisers sa nasasakop ng pamahalaang bayan, hiniling ng mga namumuno dito na palakasin ang farm biosecurity sa kanilang mga lugar upang maiwasan ang pagpasok ng ASF. (JJGS/PIA MIMAROPA – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -