26.1 C
Manila
Lunes, Enero 20, 2025

P10-M Livelihood Settlement Grant sa mga naapektuhan ng oil spill, ipinamahagi ng DSWD Mimaropa

- Advertisement -
- Advertisement -
IPINAMAHAGI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa sa 942 pamilya na naapektuhan ng oil spill sanhi ng paglubog ng MT Princess Empress ang nasa P10,011,000 Livelihood Settlement Grant (LSG) mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) na isinagawa noong Nobyembre 13-16, 2023 sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Masayang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa DSWD Mimaropa ang mga benepisyaryo na galing sa iba’t ibang bayan at sektor sa lalawigan na naapektuhan ang kabuhayan dulot ng paglubog ng oil tanker na MT Princess Empress kamakailan. (Larawan kuha ng DSWD Mimaropa)

Bawat kwalipikadong benepisyaryo ay binubuo ng mga mangingisda, naglalako ng isda sa mga tindahan, manggagawa sa palaisdaan, tricycle driver at mga manggagawa sa larangan ng turismo mula sa mga bayan ng Naujan, Victoria, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Bulalacao at lungsod ng Calapan na kung saan ang bawat isa ay tumanggap ng P5,000 – P15,000 bilang tulong pangkabuhayan.

Ang ipinamahaging tulong pinansiyal ay tugon ng kagawaran sa mga benepisyaryo para sa mabilis na pagbangon ng ekonomiya tungo sa mainit na pagsisimula sa hinaharap. (DN/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro/DSWD-Mimaropa)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -