UMARANGKADA na ang Kalingang Munti Community Based Feeding Program sa Muntinlupa City.
Ito ay proyekto ng maybahay ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na si Trina Biazon, chairman ng Gender and Development (GAD) Focal Point System.
Namahagi ang Gng. Biazon ng bigas, itlog, munggo, tuyo, at iba’t ibang mga gulay sa mga Muntinlupeño.
Katuwang ng Unang Ginang ang mga pinuno ng mga kagawaran sa Pamahalaang Lungsod tulad nina. Erwin Alfonso ng Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management, Analyn Mercado ng Social Services Department, Dr. Juancho Bunyi ng City Health Office-Muntinlupa, Reggie Salonga ng Muntinlupa Gender And Development Office, at Dra. Magdalena Meana ng Muntinlupa City Nutrition Committee.
Lingo-linggong pamamahagi ng masusustansyang pagkaing pampamilya ang handog ng Munting Kusina na tatagal hanggang sa katapusang ng Disyembre ngayong taon.