30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

ASW at ang tulong na naidudulot nito sa paglago ng trading transactions ng mga member states ng Asean

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO ang Asean Single Window (ASW) at ano ang tulong na naidudulot nito sa paglago ng trading transactions ng mga member states ng Asean?

Ang ASW ay isang proyekto sa Asean na nagkokonekta ng mga National Single Windows (NSW) ng sampung member-States para mapabilis ang pag-approba sa mga kargamentong binibili at ipinagbibili nila at maisulong ang pagsasanib ng mga ekonomiya ng rehiyon. Ang mga NSW ay mga digital platform na nagpapabilis ng pagpadala at pagtatanggap ng mga mensahe, dokumento, form at iba pang mga kailangan ng pandaigdig na kalakalan.

Noong 30 Disyembre 2019, nagsimula ang live operations ng ASW sa lahat ng miembro ng Asean na kung saan nagbibigay ng preferential tariff treatment sa mga kalakal base sa Asean Trade in Goods Agreement (ATIGA). Noong una, isang dokumento lang, ang ATIGA e-Form D, ang ipinapadala sa ASW na kung saan nakasaad ng mga impormasyong kailangan upang mabigyan ng kaukulang preferential tariff. Ngunit noong, Disyembre 2020, naidagdag ang isa pang dokumento, ang Asean Customs Declaration Document (ACDD), na nagsasaad ng 15 impormasyon para mas mapabilis ang pag-issue ng cargo clearance sa mga cargo na may Asean value added.  Dahil sa online na processing, mas mababa ang gastos ng mga exporter at importer at ng mga pamahalaan at mas mabilis ang daloy ng transaksyon. Noong 2019, tinatayang 90 porsiyento sa dating cost ng mga traders ang nawala dahil sa online processing. Naging mas competitive ang mga kalakal para sa intra- Asean trade dahil mas mababa ang kanilang supply cost.

Noong 2021, napagkayarian ng mga miembro na dagdagan pa ang mga dokumentong idadaan sa ASW. Ito ang Phyto-Sanitary Certificate at ang e-Animal Certificate. May plano pang i-extend ang ASW para maisama hindi lang ang mga miembro ng Asean kundi ang mga Dialogue Partners nito na USA, European Union, Japan, China, Australia, Korea, New Zealand, India, Canada at Russia.

Bago naitayo ang ASW, ang mga miembro ng Asean ay nagtayo ng kanya-kanyang National Single Window (NSW). Bago ma-digitalize ang NSW, kailangang ma-simplify ang mga proseso ng mga iba’t ibang ahensiya na nagre-regulate ng imports at exports kasali ang:


 

  • Food products (processed or unprocessed);
  • Plant products;
  • Animal products;
  • Aquatic products;
  • Drugs and chemical products;
  • Used motor vehicles;
  • Electrical appliances; at
  • Telecommunication equipment.

 

Sa ganang Pilipinas, may 76 na trade regulatory government agencies (TRGAs) at 40 agencies na nangangailangan ng impormasyon tungkol sa mga regulated products. Kailangang maisama silang lahat sa digitalized na proseso.

Itinayo ang Philippine National Single Window Steering Committee (NSWSC) noong 2005 para ayusin ang pag-implementa ng NSW. Pinasinayaan ang e2m  system noong 2011 na ang unang target ay 10 ahensiya na ikonekta sa Bureau of Customs (BoC). Dahil limitado ang kayang i-transmit ng e2m system, nagpasiya ang economic cluster ng gabinete na magtayo ng digital platform na makagagawa nito nang mas mabilis at malinis.

- Advertisement -

Dahil pito lamang ang orihinal na miembro nito at 76 ang ahensiyang kailangang isama sa inisiyatibong ito, kailangang i-expand noong 2016 ang membership ng NSW para isama lahat ng 76 TRGAs na nagre-regulate ng 7,400 na produkto. At dahil convoluted ang mga proseso ng mga TRGAs at mahirap i-digitalize, nag-set up ang Department of Finance (DoF) ng onboarding program para maayos ang mga proseso ng mga ahensiya.

Noong 2016,  nagsimulang i-simplify ng DoF na siyang chairman ng NSWF ang proseso ng mga TRGAs na siyang tinawag na onboarding program habang itinatayo ng Department of Information and Computer Technology (DICT) ang digital platform ng TRADENET.gov.ph.  Noong 2019, nang naging operational na ang ASW, natapos na ring itayo ang NSW na ang pangalan ay TRADENET.gov.ph at natapos nang ma-onboard ang 14 na mga ahensiya na unang nagpadala ng mga dokumento sa ASW.  Sinimulan muna sa limang pilot ports at unti-unting isinama sa coverage ang ibang ports.

Noong 2022, natapos ang proseso ng onboarding sa 21 na ahensiya ng pamahalaan na kinabibilangan ng:

  • Biodiversity Management Bureau;
  • Bureau of Agriculture and Fisheries Standards;
  • Bureau of Animal Industry;
  • Bureau of Fisheries and Aquatic Resources;
  • Bureau of Internal Revenue;
  • Bureau of Plant Industry;
  • Bureau of Quarantine;
  • Bureau of Customs;
  • Department of Foreign Affairs-Office of Protocol;
  • Department of Trade and Industry-Export Marketing Bureau;
  • Fertilizer and Pesticide Authority;
  • National Meat Inspection Service;
  • National Telecommunications Commission;
  • National Tobacco Administration;
  • Oil Industry Management Bureau;
  • Optical Media Board;
  • Philippine Coconut Authority;
  • Philippine Drug Enforcement Agency;
  • Philippine National Police Firearms and Explosives Office;
  • Philippine Nuclear Research Institute; at ang
  • Sugar Regulatory Administration.

 

Ang layon ng ASW ay i-cover ang lahat ng produkto sa intra-Asean trade na nagkakahalaga ng $857.9 bilyon noong 2022. At sa hinaharap, gusto ng Asean na i-expand ito sa 10 Dialogue Partners.

Sa Pilipinas, kailangan pang i-onboard ang 55 TRGAs na hindi pa kasali sa NSW. Dahil mabilis ang proseso ng imports at exports at online binabayaran ang mga fees, mas mura ang gastos ng mga exporters at traders. Kaya lang, ayaw ng mga empleado ng TRGAs na i-digitalize ang kanilang operasyon kasi mawawalan sila ng pagkakataong kumita ng padulas.  Ngunit nag-isyu noong 2017 si Pangulong Duterte ng Cabinet decision na kailangang lahat ng frontline agencies ay mag-digitalize ng kanilang proseso at sinabing ayaw niyang makakita ng mahabang pila sa harap ng ahensiya ng pamahalaan. Para matanggal ang korupsyon, smuggling at padulas, sinabi rin ng mga namumuno sa Senado na balak nilang i-mandate sa batas ang partisipasyon ng 76 TRGAs.

- Advertisement -

 

Malaki ang natitipid ng mga importer at exporter sa pagpadala ng dokumento sa ASW. Gamit ang 2022 data ng 366,468 dokumento na ipinadala at natanggap ng Pilipinas noong 2022 at ang average cost ng 2 messengerial companies at ang postal office, nakatipid ang mga importers at exporters sa Pilipinas ng P725 milyon bawat taon.  Tinatayang lalaki pa ang savings kapag nag-expand ang coverage ng ASW at NSW at isama ang sampung Dialogue Partners.

Kapag nangyari ang digitalization program na ito sa Asean, lalong titindi ang intra-Asean trading at bibilis ang pag-unlad ng mga ekonomiyang ito.

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -