25.7 C
Manila
Martes, Enero 14, 2025

DoLE pinarangalan ng Hall of Fame Award

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING kinilala ng Presidential Communications Office (PCO) ang Department of Labor and Employment (DoLE) para sa pagtataguyod ng transparency at accountability sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagpapatupad ng programang Freedom of Information (FOI).

Tinanggap ng DoLE ang FOI: Commitment to Excellence Award ngayong taon dahil nahirang ito bilang FOI Champion mula taong 2018 hanggang 2020 at FOI Hall of Famer para sa taong 2020-2023. Iginagawad ang FOI Hall of Fame Award sa mga nahirang bilang FOI Champion na hindi bababa sa tatlong magkakasunod na taon sa anumang kategorya.

Kinilala rin ang Kagawaran bilang isa sa mga Top Requested and Performing Agencies sa eFOI Portal sa ginanap na 2023 FOI Awards noong ika-21 ng Nobyembre 2023, sa Pasay City.

Ang pagkilala ay bunga ng pagsisikap ng bawat FOI Receiving Officer (FRO) at FOI Decision-Maker (FDM) na patuloy na nagpupunyagi sa kanilang pangako na makapag-bigay ng totoo at tumpak na impormasyon, pahayag ng DoLE.

Sumailalim sa pagsusuri at deliberasyon ng 2023 FOI Awards Screening Committee ang mga nominado batay sa sumusunod na pamantayan:  pamumuno; madiskarteng pagbalangkas ng patakaran, mga alituntunin, mga pamamaraan; istraktura, mga sistema, mga mapagkukunan; pagsubaybay; kahusayan; at kalidad.

Ang Screening Committee ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Office of the Executive Secretary, na gumaganap din bilang chairman; mula sa PCO; dalawang kinatawan mula sa isang Non-Government Organization (NGO) at lipunang sibil; at isang kinatawan mula sa Partner Agency ng FOI.

Itinatag noong 2017, kinikilala ng FOI Award ang mga ahensiya ng pamahalaan, indibidwal at organisasyon na nagbigay ng makabuluhang kontribusyon sa pag-unlad ng programa ng FOI.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -