KASALUKUYAN nang pinagpaplanuhan ng pamunuan ng Tanauan City College (TCC) ang pagpapatayo ng gymnasium sa pamamagitan ng pagbuo ng technical working group para sa naturang proyekto.
Sa pangunguna ng TCC Chairman na si Tanauan City Mayor Sonny Perez Collantes, kumukonsulta na rin ang pamunuan para sa integrasyon ng computer system na magagamit ng mga guro at mag-aaral sa nasabing paaralan.
Ipinakilala na rin ang mga bagong miyembro ng TCC Board of Trustees na sina Dorie Gutierrez, bagong provincial director, Tesda Batangas; Vince Harris Mangabat, bagong alumni president (Academic Year 2023-2024) at Kristine Rose De Torres, bagong ILC president (Academic Year 2023-2024).
Kabilang din sa tinalakay ang ALCUCOA Accreditation, pagkuha ng mga Contract of Service Employees na magiging student organization coordinator, Spectrum adviser (school paper), computer programmer; paglikha ng plantilla position para sa computer programmer at registered nurse; pagtatalaga ng BCMA/BSA Program Head, acting treasurer; status ng TCC at CMO 18, Series of 2022 at status ng FHE funds Accounting Update.
Bukod dito, tinalakay din sa pagpupulong ang matagumpay na mga aktibidad ng Tanauan City College kabilang na ang katatapos lamang na 10th Founding Anniversary nito.