27.3 C
Manila
Biyernes, Marso 28, 2025

Buhay Mahalaga Serbisyo Caravan, sinimulan sa Bulacan

- Advertisement -
- Advertisement -

INILUNSAD ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang Bawat Buhay Mahalaga Serbisyo Caravan sa Malolos, Bulacan noong Disyembre 8.

Ang dalawang-araw na pagtitipon na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium ay bilang pakikiisa sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.na ilapit sa mga lokal na komunidad ang mga serbisyo ng pamahalaan.

Ang dalawang araw na kaganapan sa Bulacan Capitol Gymnasium ay inspirasyon ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga lokal na komunidad.

“Ngayon, maagang sumapit ang Pasko sa mga mamamayan at lalawigan ng Bulacan dahil mamimigay tayo ng mga regalong hindi lamang tatagal hanggang Pasko – mga regalong nakapagpapabago ng buhay dahil magsisilbi itong bagong simula para sa ating mga kababayan,” ayon kay Pagcor Chairman at CEO Alejandro Tengco.

“Ito ang kauna-unahang caravan na ating inilunsad sa ilalim ng ating pamamahala,” aniya pa.

Naglaan ang Pagcor na may P50 milyon para sa paglulunsad ng nasabing caravan. Kabilang dito ang educational grants sa may 2,000 mag-aaral, 45 sari-sari store livelihood packages, mahigit 4,000 bisekleta at Php5-milyong halaga ng mga kagamitang pang-medesina para sa Bulacan Medical Center.

Mayroon ding mga wheelchairs, gamot, food packs pati na mga reading glasses at tungkod para sa mga senior citizens bukod pa sa medial at dental consultations sa dalawang araw na pagtitipon.

Ayon pa kay Tengco, sakop ng educational grant ang pag-aaral sa kolehiyo at technical/vocation course kung saan tatanggap ng Php10,000 kada taon ang bawat isa sa 2,000 mag-aaral.

“Isanlibo po sa mga iskolar na ito ay manggagaling sa vocational schools bilang pagpapakita ng ating suporta at pagkilala sa kahalagahan ng vocational and technical education sa pangkalahatang pag-unlad ng ating mga industriya.”

Nakipagtulungan ang state gaming agency sa Bulacan Provincial Government, Armed Forces of the Philippines Health Service Command, National University College of Dentistry, University of the Philippines (UP) Manila Chancellor’s Office at UP Manila Ugnayan ng Pahinungod para sa paunang caravan.

Pinasalamatan naman ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang Pagcos sa pagpili sa lalawigan bilang unang tatanggap ng service caravan ng ahensya. “Taos-puso kaming nagpapasalamat sa Pagcor at kay Chairman Alejandro Tengco sa mga handog sa aming lalawigan kabilang na ang mga livelihood packages, scholarship grants, wheelchairs at iba pa.”

Pagkatapos ng Bulacan, lilibot ang caravan sa buong bansa upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng mahahalagang serbisyo, tulong medikal at mga pakete sa kabuhayan kada tatlong buwan bilang isa sa mga pangunahing corporate social responsibility initiative ng Pagcor.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -