26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

PNP, nagsagawa ng gift-giving activity sa bahay kanlungan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGHATID ng saya ang mga kawani ng Philippine National Police (PNP) Regional Forensic Unit (RFU) Mimaropa at ang Regional Advisory Council sa 40 batang may edad siyam na buwan hanggang 20 taong gulang sa ‘Bahay Kanlungan; A Haven for Women and Children’ bilang bahagi ng programang ‘Araw-Araw Pasko sa Soco’ gift giving activity na isinagawa sa  lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro  noong Disyembre 15.

Katuwang ng pulisya na pinamumunuan ni Col. Joseph Palmero, Regional Chief ng RFU-Mimaropa ang kanilang advisory council na binubuo ng mga kasapi mula sa iba’t ibang sektor sa lipunan tulad ng media, pamahalaang lokal, sekta ng relihiyon, senior citizen, edukasyon, at iba pa na tumutulong sa pagsasagawa ng mga programa gayundin ang mga serbisyo ng kapulisan upang maihatid sa komunidad ng nasabing support group ng PNP.

Namahagi ng mga food packs at school supplies, gayundin ang paghandog ng mga pagkain ng PNP sa mga bata.

Matapos ang programa ay nagpasalamat ang mga bata sa grupo ng RFU-RAC dahil naramdaman nila ang diwa ng pasko kahit malayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ang Bahay Kanlungan ay pinangangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan. (DN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -