ISANG Pied Triller (ππ’ππ’π¨π¦ π―πͺπ¨π³π’) ang sinusundan ng Philippine Pied Fantail (ππ©πͺπ±πͺπ₯πΆπ’π³πΆπ³πΆπ³πΆ π΅π°π³π²πΆπͺπ΄) mula sa mga sanga ng isang puno ng Agoho (ππ’π΄πΆπ’π³πͺπ―π’ π¦π²πΆπͺπ΄πͺπ΄πͺπ΄πͺπ΄ Linn.) sa Freedom Island ng Las Pinas Paranaque Wetland Park (LPPWP). Ang parehong ibon ay teritorrial at madalas na sinusubukang itaboy ang isa’t isa, lalo na sa panahon ng pag-bubuntis.
Ang mga ibong ito ay kumakatawan lamang sa isang fraction nang mahigit isang daang resident at migratory avian species ng LPPWP. Ang kanilang patuloy na presensya sa lugar ay nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng wetland park bilang isang tirahan para sa magkakaibang wildlife.
Sa kabila nang mabilis na urbanisasyon sa Metro Manila, masuwerte tayong masaksihan ang ganitong natural na interaksyon sa LPPWP. Sa pamamagitan ng pangangalaga sa ecosystem na ito, mapoprotektahan natin ang mayamang biodiversity na sinusuportahan nito at nag-aambag sa kapakanan ng maraming species. Bilang mga tagapangasiwa ng ating kapaligiran, tayo ay magkaisa na pangalagaan at paunlarin ang LPPWP bilang isang napakahalagang santuwaryo ng kalikasan.
Makilahok at suportahan ang mga pagsisikap sa konserbasyon sa LPPWP at sa inyong mga komunidad. Tumulong sa pagpapalaganap ng kamalayan sa kahalagahan ng LPPWP at ang mga buhay na naririto at ang pangangalaga sa ating kapaligiran at likas na yaman. (Teksto at larawan mula sa official Facebook page ng DENR National Capital Region)