30.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

2023 Year-End Report ng Maynila

- Advertisement -
- Advertisement -

SA loob ng buwan ng Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2023, ang ika-12 na Sangguniang Panlungsod ay malugod na nakapagpasa ng 141 na ordinansa at nakapagpatibay ng 917 na resolusyon para sa lungsod ng Maynila.

Ang ilan sa mga ordinansang ipinasa ay ang pag-apruba ng kabuuang pondo ng lungsod ng Maynila na gagamitin para sa taon 2024 (P23.2B) na inakdahan ni Councilor Salvador Philip Lacuna. Ordinance No. 8991 na nagbibigay ng allowance para sa mga menor de edad na PWD (person with disability) ng P500 kada buwan na inakdahan ni Councilor Pamela “Fa” Fugoso-Pascual. Mahigpit na rin ipinagbabawal ang nakasanayan ng ilang mga komuter sa ating lungsod ang pagsasabit sa mga public utility vehicle o PUV na ipinagtitibay sa bisa ng Ordinance No. 9003 na inakdahan ni Councilor Martin “Marjun” Isidro Jr.

Narito naman ang mga resolusyong ipinagtitibay ng Konseho:
– Pag-adopt ng Executive Legislative Agenda (2022-2025) ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr.
– Pagpapalakas ng kamalayan sa Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD ni Councilor Johanna Maureen “Apple” Nieto-Rodriguez
– Buong pusong suporta sa Pamahalaang Nasyunal para sa paglaban sa ating teritoryo sa West Philippine Sea na inakdahan ni Councilor Niño Dela Cruz
– “Digitalization Project” ng mga ordinansa’t resolusyon o legislative records na ipinasa simula noong Municipal Board hanggang City Council. Layon nitong maging accessible ang mga impormasyong ito sa isasagawang official City Council website hindi lamang makasabay sa makabagong teknolohiya ngayon kung hindi bilang mas lalo natin mapakita na ang lungsod ng Maynila ay patuloy na umuunlad sa larangan ng lehislatura na inakdahan ng ating Bise Alkalde at Presiding Officer John Marvin “Yul Servo.” (Mula sa Facebook page ng Manila Public Information Office)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -