26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

Bise Presidente Sara Duterte nakipag-meeting sa NBDB

- Advertisement -
- Advertisement -

INIULAT ni Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang Facebook page na Inday Sara Duterte na dumalo siya sa isang pulong ng National Book Development Board sa Department of Education sa Pasig City bago magtapos ang 2023.

Post niya, “Dumalo po tayo sa isang pulong ng National Book Development Board sa Department of Education sa Pasig City bago magtapos ang taon. Kasama ang NBDB chairman Dante “Klink” Ang 2nd, ito ay dinaluhan rin ng mga iba’t ibang Philippine Book Publishers sa ating bansa.

“Lubos ang aking kasiyahan na personal silang makilala at malaman na sila ay handang makipagtulungan sa Department of Education lalo na kung paano maibalik ang interes ng mga kabataang Pilipino sa pagbabasa, pagsusulat at pagpapakilala ng mga bagong idea at inobasyon. Nakakataba din ng puso na positibo ang kanilang pagtanggap sa Matatag Curriculum upang maisulong ang layunin nating pagbabago para maiangat ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa.

Dagdag pa niya, “Pangatlong meeting na po natin sa Kagawaran sa kanila at sinabi ko na gawing regular ang ganitong diyalogo sapagkat malaki ang kontribusyon nila lalo na sa pagbibigay ng mga kalidad na materyales sa pagbabasa kagaya ng mga aklat. Mahalaga ito dahil isa sa mga prayoridad ng programa natin ay ang pagbabasa.

“Isa sa mga pinag-uusapan ang mga makabagong teknolohiya at innovation upang matiyak na ang ating mga mag-aaral ay nakakatanggap ng kalidad na edukasyon.

Ako ay lubos na nagpapasalamat sa ipinapakitang suporta na ibinibigay nila sa Department of Education at sa mga Pilipinong mag-aaral. Hiniling ko rin ang kanilang patuloy na suporta at kooperasyon para itaguyod ang pagkakaroon ng mga Pilipinong mag-aaral na matalino, matatag at makabansa.”

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -