28.6 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Di makatarungang presyo ng mga gamot at ibang bayarin sa mga ospital inereklamo

- Advertisement -
- Advertisement -

DINAGSA ng kaliwa’t kanang reklamo ang Raffy Tulfo In Action kamakailan tungkol sa hindi makatarungang presyo ng mga gamot at iba pang mga bayarin na sinisingil ng mga mga ospital sa kanilang mga pasyente.

Napansin ni Sen. Idol na karaniwan nga ay mas mahal ang bayad para sa mga medical supplies at mga gamot na ginagamit ng ospital para sa kanilang mga pasyente.

Malayong mas mahal kumpara sa presyo sa mga kilalang botika sa labas. Kaya madalas ay napipilitan ang bantay ng pasyente na lumabas na lang para bumili sa botika para lang makatipid sa gastusin.

Dagdag pa sa stress ng pasyente at pamilya nito ang hospital policy na tumataas ang professional fees kapag nasa private room ang isang pasyente.

Kapag wala na kasing bakante sa ward ay napipilitan na ang ilang pasyente na kumuha ng private room, lalo na sa isang emergency situation. Bubulaga nalang sa kanila ang napakataas na professional fees kapag oras na ng bayaran.

Kaya maghahain si Sen. Idol ng resolution in aid of legislation upang kontrolin ang presyo ng gamot na bininigay ng mga ospital sa kanilang mga pasyente at gawing pantay na lang ito sa presyo ng mga kilalang botika sapagkat parehas lang naman ang pinagkukunan ng suppliers ng dalawang ito.

Noong panahon ng kasagsagan ng Covid, napabalita na maraming ospital ang nagsamantala at tinaga ang kanilang mga pasyente sa mga bayarin lalo na sa mga gamot.

Binigyang diin din ni Sen. Tulfo na kailangan magkaroon ang mga ospital ng uniform professional fee rate at ito ay nakapaskil sa isang lugar na makikita ng mga pasyente at kanilang pamilya. Mula sa Facebook page ni Raffy Tulfo

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -