30.8 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Bangon, Caraga

- Advertisement -
- Advertisement -

LINDOL at bagyo ang humagupit sa Barangay Pichon, Caraga, Davao Oriental at nagpahirap sa mga residente nito noong Disyembre 2023.

Labis na kasiraan na dulot ng magkasunod na kalamidad sa agrikultura, imprastraktura, at kabuhayan ng mga residente.

Upang alalayan sila sa pagbangon, pinangunahan ng Office of the Vice President Davao Satellite Office at Department of Labor and Employment X1 ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DoLE-Tupad).

Umabot sa 501 na mga residente ang nabigyan ng mahigit P4,400 bawat isa.

Ayon sa mga residente, nabuhayan sila ng loob ma mag-umpisang muli ngayong 2024 dahil sa natanggap na tulong.

Naging matagumpay naman ang pay-out sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Munisipyo ng Caraga, Davao Oriental sa pangunguna ni Mayor Reynante Osnan, DOLE- X1, Sangguniang Barangay ng Pichon, Armed Forces of the Philippines 66 Infantry Brigade, at Philippine National Police – Caraga. Teksto at larawan mula sa Facebook page ni Inday Sara Duterte

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -