KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng Diplomatic Corps sa pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa sa Vin d’Honneur nitong ika-11 ng Enero.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni PBBM ang layuning patuloy na makipag-ugnayan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino sa edukasyon, pagkain, kalusugan, trabaho, at iba pa. Ibinahagi niya rin ang pagsigla ng ekonomiya ng Pilipinas, maging ang dedikasyon ng bansa sa kooperasyon at kapayapaan. Teksto at larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office