28.6 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Pasig River Ferry pasisiglahin

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGSAGAWA ng Pasig River Ferry tour simula Guadalupe Station hanggang Escolta Station ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pangunguna ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. at MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes upang mag- inspeksyon para sa isasagawang Pasig River Urban Development Project.

Nilalayon nito na maibalik ang kagandahan at dating sigla ng Ilog Pasig alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng Executive Order 35.

Inanunsyo ng MMDA na dadagdagan pa ang bilang ng mga ferry boats at ang pagbubukas ng mga bagong station sa Intramuros, Bridgetowne sa Pasig, Marikina, at rehabilitasyon ng PUP station sa Sta. Mesa para dumami pa ang maserbisyuhan na mga pasahero.

Bilang alternatibong transportasyon sa Metro Manila, ipinagmalaki ni Atty. Artes na umabot na sa 254,000 ang sumakay sa Pasig River Ferry noong 2023 at patuloy na tumataas ang ridership nito ngayong taon.

Ibinahagi rin ni Atty. Artes ang planong pagpapalawak sa Pasig River Ferry ng Department of Transportation (DoTr) sa Laguna de Bay at Manila Bay na kasalukuyan nang pinag- aaralan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang libreng sakay ng Pasig River Ferry Service.Teksto at larawan mula sa Facebook page ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -