GINANAP kahapon, Enero 17, 2024, ang kauna-unahang Padel Court sa Bataan na pinangunahan ni Senador Pia Cayetano.
Post ni Senator Pia Cayetano sa kanyang Facebook page, “I am excited to be in Bataan, a health- and sports-oriented province, today to officially open its first padel court.
“Coach Bryan Casao of Padel Pilipinas & Play Padel Club Philippines with Pinay in Action (Team PIA) also held a clinic for grassroots players. This is just the beginning of many partnerships – not just in Padel – but on other projects for the benefit of Bataeños.”
Samantala, sa post ni Gov. Joet Garcia sa kanyang Facebook page, “Sa nasabing pasinaya, ibinahagi ni Sen. Cayetano na kabilang ang Bataan sa mga binabalak niyang patayuan ng mga public court sa mga piling bayan at probinsya sa Pilipinas upang isulong at mapalakas ang isport na Padel.
Ipinagmalaki rin ni Sen. Cayetano ang pagbubukas ng Padel Pilipinas League sa pangunguna ni Coach Bryan Casao ng Padel Pilipinas na layong magkaroon ng mga kompetisyon sa nasabing isports at hikayatin ang mga Pilipino na maglaro nito nang sa gayon ay mapanatili ang pagiging aktibo at pagkakaroon ng healthy lifestyle.”
Paliwanag pa ng gobernadora, “Ang Padel ay isang isport na kombinasyon ng tennis at squash na nilalaro sa 10 metro x 20 metrong court na may sariling dingding. Ginagamit din bilang rebound surface ng bola at estratihiya upang makapuntos ang nasabing dingding na isa sa mga kaibahan sa tennis.”
Nagpasalamat din si Garcia kay Senador Pia Cayetano, “Taus-puso po tayong nagpapasalamat kay Sen. Pia Cayetano para sa plano niyang ito sa ating Lalawigan. Asahan po ninyo ang patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan upang makapaglunsad ng mga proyekto at programang pang isports sa ating probinsya.”
Dagdag pa ni Gov. Joet, “Nakasama po natin kanina sina Cong. Abet Garcia, Cong. Gila Garcia, Cong. Ferdinand Hernandez, Bokal Tony Roman, at Mayor Francis Garcia.”