30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

‘Araw ng Kasambahay’, ginunita sa Tuguegarao City

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYANG pagpupugay ng Department of Labor and Employment (DoLE) Region 2 ang mga domestic worker sa paggunita ng ‘Araw ng mga Kasambahay’ na ginanap sa Tuguegarao City kamakailan.

Dumalo ang ilang mga kasamabahay sa isinagwang paggunita sa Araw ng mga Kasambahay sa Tuguegarao City. (Larawan mula sa DOLE 2)

Ayon kay Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr. ang araw ng mga kasambahay ay taunang ipinagdiriwang tuwing Enero batay sa Republic Act No. 10361 o Batas Kasambahay.

Aniya layunin ng batas na palakasin ang proteksyon para sa mga naninilbihan bilang mga kasamabahay, at itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan.

Ayon pa kay Atal nagsasagawa ng profiling at registration ng mga kasambahay ang Department of the Interior and Local Government, Public Employment Service Office at mga barangay official upang magkaroon ng datos ang kanilang sektor at upang mabilis silang mamonitor kaugnay ng implementasyon ng batas.

Ayon naman kay Tuguegarao City Councilor Grace Arago ang mga kasambahay ay mayroon ding karapatan para ma access ang mga benepisyo mula sa gobyerno.

Nagpahayag din ng suporta ang mga kinatawan mula sa DILG, Department of Social Welfare and Development at Tuguegarao City Tripartite Industrial Peace Counsil, Employer’s Group sa pagpapalakas ng pagsusulong ng kapakanan ng mga kasambahay.

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga kasambahay dumalo ang mga kasambahay at mga benepisaryo ng livelihood program ng pamahalaan mula sa Solana,Enrile,Iguig,Peñablanca, Tuguegarao City at Cauayan City.

Ipinaalam din sa mga ito ang Batas Kasambahay,Safe Spaces Act, Employees Compensation Program, update sa wage order,and Tips para sa Occupational Safety and Health. (OTB/PIA Region 2 kasama si Wendie Ragasa at DOLE Region 2)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -