26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Water desalination project sa isla ng Maasin, sisimulan na

- Advertisement -
- Advertisement -

 

Dumating na sa isla ng Maasin, sakop ng Bulalacao ang mga aparato at tangke na gagamitin sa water desalination project ng DOST Mimaropa para makakuha ng malinis at ligtas na tubig inumin ang mga residente doon. (Larawan kuha ng Bulalacao Public Information)

PINANGUNAHAN ng Department of Science and Technology (DoST) Mimaropa ang pagpapadala ng mga kagamitan para sa water desalination project na itatayo sa isla ng Maasin para magkaroon ng ligtas na inuming tubig ang mga naninirahan doon.

Ang Maasin ay isang barangay na sakop ng bayan ng Bulalacao.

Malaki ang maitutulong ng nasabing proyekto sa mamamayan ng Maasin dahil na rin sa kasalukuyang estado na bukod sa mahirap ang pagkuha ng tubig ay hindi pa ito ligtas inumin, kung kaya maagap ang DoST at agad na ipinatupad ang proyekto sa pamamagitan ng DoST sa pangunguna ni provincial director Jessie Pine katuwang ang lokal na pamahalaan ng Bulalacao.

Ang water desalination ay ang proseso ng pag-alis ng asin o maalat na lasa at mga dumi mula sa dagat upang makagawa ng tubig-tabang.

Ang sistema ng desalination ay idinisenyo upang matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa malinis na tubig sa mga rehiyon na may limitadong mapagkukunan ng tubig-tabang.

Iba’t ibang sistema at teknolohiya ang ginagamit dito tulad ng reverse osmosis at multi-stage flash distillation upang makamit ang mahusay at cost-effective na paglilinis ng tubig.

Inaasahan na matatapos ang instilasyon ng naturang kagamitan sa mga susunod na buwan at agad din itong papasinayaan para magamit ng mga naninirahan sa nasabing isla. (DN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -