30.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Parañaque City magdiriwang ng 26th Cityhood Anniversary

- Advertisement -
- Advertisement -

ISANG makasaysayang pangyayari ang muling gaganapin ngayong Pebrero 2024 sa nakatakdang pagdiriwang ng Parañaque City ng 26th Cityhood Anniversary sa darating na Pebrero 13, 2024.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, maghahandog ang lokal na pamahalaan ng iba’t ibang programa at proyektong tiyak magbibigay ng kasiyahan sa mga residente lungsod sa pamumuno ni Mayor Eric Olivarez.

Kabilang sa mga programang handog ang mga taunang beauty pageants gaya ng Gandang Mamita at Gwapitong Papito 2024 at Ginoo at Binibining Parañaque 2024.

Itatampok din ang mayamang kultura ng Lungsod sa pamamagitan ng Sunduan Dolls Contest and Exhibit, Sunduan Dress Fashion Show, Flavors of Parañaque, Komedya, Sayaw ng Pagbati, Folk Dance Contest, at Grand Sunduan.

Bukod dito, gaganapin din sa tatlong linggong selebrasyon ang Academic Quiz Bee, Coop Tiangge, Mega Job Fair, Kasalang Bayan, Alagang Parañaque Universal Health Care Caravan, at pagpapasinaya ng iba’t ibang pasilidad at proyekto ng pamahalaang Lungsod.

Bibigyan din ng parangal at pagkilala sa anibersaryong ang mga Outstanding Taxpayers at mga Natatanging Parañaqueño na kinilala dahil sa angkin nilang husay at pagkatao.

Nagsimula ang pagdiriwang ng 26th Cityhood Anniversary noong Enero 22, 2024 sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga kandidato para sa Gandang Mamita at Gwapitong Papito 2023, at ito naman ay magtatapos sa Pebrero 17, 2024. Teksto at larawan mula sa Facebook page ng City Information Office – Parañaque

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -