30.6 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Tiwala sa sarili at sa pamahalaan, pokus ng Bagong Pilipinas Kick-off rally

- Advertisement -
- Advertisement -

TIWALA sa sarili at sa mga institusyon tungo sa maunlad at nagkakaisang Bagong PIlipinas ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas Kick-off Rally kahapon,  Enero 28, 2024.

Binigyang-diin ni PBBM ang Philippine Development Plan bilang gabay ng bansa, maging ang kahalagahan ng transpormasyon sa edukasyon, agrikultura, at pamamahala. Ayon sa Pangulo, pangungunahan ng gobyerno ang pagbabago upang bigyang-inspirasyon ang bawat Pilipino na makiisa sa pagbuo ng Bagong Pilipinas.

Idinagdag din ng Pangulo na uunahin ang kapakanan ng mga kabataan sa Bagong Pilipinas.

Samantala, naniniwala si DILG Sec. Benjamin Abalos na ang Bagong Pilipinas ang naglalapit ng serbisyo publiko sa mga Pilipino.

Nangako rin ang Department of Agriculture na mamamahagi ng mas maraming lupa ang administrasyong Marcos Jr. at mas lalong magiging epesyente ang sektor ng transportasyon sa Bagong Pilipinas.

Hinimok naman ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko na lumipat na sa digital TV at namigay ng 1,000 ‘Bagong Pilipinas’ digiboxes. Teksto at larawan mula sa Facebook page ng PCO

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -