NAGBIGAY babala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na mag-ingat sa pekeng Facebook page na ginagamit ang logo ng ahensya bilang profile picture.
Ayon sa MMDA, hindi ito konektado sa ahensiya. Ano mang post, mensahe, transaksyon, o pakikipag-ugnayan ng mga taong nasa likod ng FB account na ito ay hindi bahagi at walang kinalaman ang pamunuan ng MMDA.
Paalala rin ng MMDA na mag-ingat sa pakikipag-transaksyon online.
Narito ang official social media channels ng MMDA:
Facebook: @MMDAPH
Twitter: @MMDA
Instagram, Threads, TikTok: @mmdagovph
(MMDA/PIA-NCR)