29.3 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Konstruksyon ng ikalawang evacuation center sa San Jose, sinimulan na

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGSIMULA na nitong Enero 29, ang konstruksyon ng itatayong fit-for-purpose evacuation center sa municipal compound ng bayan ng San Jose sa Occidental Mindoro.

Ang nasabing pasilidad na pangangasiwaan ng pamahalaang lokal ay may halagang P28.9 milyon at kayang magkanlong ng mahigit 100 pamilya o may katumbas ng higit sa 500 Mindoreños.

Sa Groundbreaking Ceremony ng itinatayong Evacuation Center ay ibinahagi ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engineer Gil Gendrano, na ang nasabing gusali ay may dalawang palapag at kayang magkanlong ng hanggang 104 na pamilya o katumbas ng higit 500 indibidwal. Ang mga larawan ay mula sa San Jose Municipal Information Office.

Ayon kay municipal disaster risk reduction management officer Gil Gendrano, ang nasabing gusali ay may dalawang palapag at bukod sa magsisilbing evacuation center ng mga residente ng San Jose ay maaari ding pagdausan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng pagsasanay, pagpupulong at seminar ang gusali.

Sinabi pa ni Gendrano na matatagpuan sa itatayong gusali ang mga amenities na karaniwan sa isang standard evacuation center katulad ng couples room, breastfeeding room, kitchen, laundry area, restrooms at iba pa.

Kinumpirma naman ito ni project engineer Jomar Sadiwa ng Kejamarinik Construction– ang construction firm na gagawa ng proyekto.

“Sa plano ng gusali ay maraming restrooms, magkakahiwalay ang para sa mga persons with disability (PWD), para sa lalaki, babae at meron ding all-gender comfort room,” ayon kay Sadiwa.

Ito ang ikalawang evacuation center ng lokal na pamahalaan ng San Jose at inaasahang matatapos ang konstruksyon sa ikalawang bahagi ng 2025. (VND/PIA MIMAROPA – Occidental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -