30.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

2022 CBMS data ng PSA, tinanggap na ng limang LGU sa Romblon

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINAHAGI na ng Philippine Statistics Authority (PSA) – Mimaropa nitong Biyernes ang resulta ng 2022 Community-Based Monitoring System (CBMS) sa limang lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Romblon.

Personal na dumalo sa ginanap na turn-over ceremony ang mga matataas na opisyal ng limang bayan na binubuo ng Concepcion, Banton, Alcantara, Calatrava at Corcuera, kasama si Regional Director Leni Rioflorido.

Sa isang panayam sa Philippine Information Agency – Romblon, sinabi ni Engr. Johnny Solis, Chief Statistical Specialist ng PSA Romblon, na ang limang ay unang batch pa lamang sa mga LGU na makakatanggap ng nasabing data.

Sinabi na noon ni National Statistician at Civil Registrar General Claire Dennis Mapa na mahalaga ang CBMS para sa implementasyon ng iba’t ibang proyekto ng lokal na pamahalaan.

Aniya, makakatulong umano ito sa pagbuo ng iba’t ibang plano na nakasentro sa iba’t ibang sekto sa isang. Nakatala rin kasi sa CBMS ang datus ng kalagayan ng mga residente ng isang bayan lalo na ang mga mahihirap na kailangan ng interbensyon ng gobyerno.

Nagsimula ang PSA na mangolekta ng impormasyon para sa CBMS noong Agosto 2022.

Ang CBMS ay isang hakbang sa pagkolekta ng datos na makakatulong sa masusing pag-unawa ng pangangailangan ng mga komunidad at pagbuo ng epektibong mga programa at proyekto para sa kanila. (PJF/PIA Mimaropa – Romblon)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -