NAKAKATABA po ng puso ang mainit na pagtanggap ng Cebu City sa ating pagbisita noong Biyernes, February 2, 2024.
Ikinagagalak kong makamusta at makamayan ang mga kababayan nating nag-abang sa gilid ng daan sa labas ng Pasil Elementary School na kasing-init ng sikat ng araw ang pagsalubong sa atin.
Lubos ang aking kasiyahan na makita ang inyong mga ngiti. Damang-dama ko po ang inyong pagmamahal at suporta. Daghang salamat sa akoang mga kaigsuonan sa Cebu City.
Malapit po talaga sa aking puso ang Cebu hindi lamang po dahil dito nanggaling ang aking ama, kundi dahil iba po talaga magmahal ang mga Cebuanos.
Isa po kayo sa pinagkukunan ko ng lakas sa patuloy na paghatid ng serbisyo sa ating bayan. Mabuhay kayong lahat. Mula sa Facebook page in Inday Sara Duterte