29.3 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Sinigurado in PBBM na walang magugutom sa ‘Bagong Pilipinas’

- Advertisement -
- Advertisement -

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga magsasaka noong Enero 3 na susupotahan ng pamahalaan ang pagpapunlad ng agrikultura sa Pilipinas sa gitna ng mga hamon ng El Niño at iba pang problema sa pagsasaka.

Mga larawan mula sa PCO

Mas malawak na patubig, P31 bilyong pondo para sa National Rice Program ngayong 2024, at suporta at pagsasanay ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapataas pa ang produksyon at kita ng ating mga magsasaka.

Sa pag-aani ng palay at pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at kooperatiba sa Candaba, Pampanga, ibinahagi ni PBBM ang 1.5 porsiyento na pagtaas ng produksyon ng bigas sa 2023. Dulot ito ng tuloy-tuloy na aksyon gaya ng paglikha ng binhing umaayon sa pabago-bagong klima, pagtayo ng imprastraktura, at pagbigay ng maagang babala sa mga magsasaka’t mangingisda sa panahon ng kalamidad. Halaw sa Presidential Communications Office

 

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -