25.8 C
Manila
Martes, Disyembre 3, 2024

Sen Angara: Pag-amyenda sa Konstitusyon hindi garantiya na malulutas ang problema sa ekonomiya ng bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGSAGAWA na ang Senate Subcommittee on Constitutional Amendments and Revisions of Codes ng unang pagdinig sa pangunguna ni Senador Juan Edgarda “Sonny” Angara. Ito ay para sa Resolution of Both Houses No. 6 na naglalayong amyendahan ang mga piling probisyon sa ekonomiya ng 1987 Constitution.

Ang mga legal luminary, kabilang ang ilan sa mga bumubuo ng Saligang Batas ay dumalo upang ibahagi ang kanilang mga pananaw sa mga iminungkahing pagbabago at ang mga paraan ng pag-amyenda sa Charter. Sa kanyang pambungad na pananalita, nilinaw ni Sen. Angara na ang pag-amyenda sa Konstitusyon ay hindi garantiya na malulutas ang problema sa ekonomiya ng bansa.

Binigyang-diin nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Majority Leader Joel Villanueva at Sen. Angara na ang panukala ay tatalakayin nang lubusan at walang deadline na susundin upang makumpleto ang mga paglilitis. Halaw ang teksto at mga larawan sa Facebook page ni Senator Sonny Angara

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -