29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Sen Villanueva: Senado may isang salita

- Advertisement -
- Advertisement -

SA kanyang opening statement, mariing idiniin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na ang Senado ay may isang salita.

Sabi niya, “Nagsimula na po ang pagdinig ng Senado sa Resolution of Both Houses No. 6 para pag-aralan ang pag-amyenda ng economic provisions ng ating Konstitusyon. Patunay po ito na ang inyong Senado ay tunay na may isang salita. Hindi po ito basta basta at hindi po dapat minamadali kaya naman po nakahanda tayong magkaroon ng malawakang diskusyon para siguruhin, hindi lamang po ang mga economic provisions sa Konstitusyon na layong baguhin, maging ang tamang paraan para gawin po ito.

Taos-pusong pasasalamat po sa ating mga kasamahan sa Senado sa pangunguna ni Subcom on RBH 6 Chair Sen Sonny Angara at sa ating mga legal luminary at mga ekonomista na nagbahagi ng kanilang malawak na kaalaman pagdating sa ating Saligang Batas.

Dagdag pa ni Villaueva, “Wala po tayong itatago dito at higit sa lahat wala pong kalokohan gaya ng mga nadiskubre ng ating mga kasamahan noong nagpunta sila sa Davao kasama sina Senator Imee, Senator Bato and Senator Bong Go.

“Ang Senado po kasi uulitin ko ay may isang salita. This was our commitment from the very beginning, and we only went off-track because of this ill-fated “Pekeng Initiative” that was pushed by some quarters with the support of the House of Representatives. Klaro po yan. Wala naman na pong naniniwala na sa kanila na wala silang kinalaman dito.

“We have been told that if the Senate will tackle RBH 6, goodbye PI na raw. Gayunpaman, we will continue to be vigilant. Habang nakatutok kami dito sa RBH 6 hearings, todo bantay pa rin tayo sa galaw ng mga kasamahan natin sa House. Kasama dito ang investigation dyan na pinangungunahan ni Senator Imee Marcos.

“Linawin ko lang po kasi yung sinasabing “ceasefire”, eh “ceasefire” sa usapin ng PI, kaya we will refrain from debating on this issue. Pero yung “ceasefire” po does not mean “cease working” or “stop the PI inquiry.” Kasi syempre kung may nakita po tayong sablay. Tumatawa po si Senator Bato kasi ang dami na niyang nakitang sablay. Kapag may nakitang sablay ang Senado, talagang iimbestigahan po ito. Hindi naman po tayo magkikibit balikat. Yung ongoing hearings are in the process of unearthing evidence, and nakita naman natin na meron talagang questionable sa pagpapapirma ng pekeng initiative. May mali po. Why should we turn a blind eye to these irregularities? Ang dami pang tanong; sino ang nagpondo sa kampanya? Saan galing itong pondo ng PI ? Bakit nagkaroon ng traffic sa Forbes Park noong kuhanan ng 2.5? Bakit may traffic? Bakit ang mga chief-of-staff ay nagkukumahog na pumunta doon?

“Ayaw natin na masayang ang salapi ng taumbayan. Kaya po tayo narito ngayon to make sure that we will hear this exhaustibly and with transparency. The people have the right to know if their money is being used properly for their benefit and not for the benefit of a political agenda. Ang gusto kasi ng iba, forgive and forget na lang. Hindi naman tama yun. Hindi na kami magsasalita tungkol sa PI; but we should let the witnesses speak —we  should let the evidence speak. And at the end of the day, kung may gumawa ng labag sa batas, those responsible should be held accountable.

“Ang bottomline po dito is ginagawa ng Senado ay yung ating trabaho. Trabaho po natin ito. Kaya naman namin isabay ang pagdinig at pag-investigate. Kasi hindi naman tayo ganon ka-busy sa paggawa ng mga resolusyon supporting our Senate President or supporting Senator Imee Marcos kasi dito po sa Senado, alam na natin kung ano yung tama at hindi na kailangan ng mga ganyan kasi alam naman nila na they have the support of the Senate. Halaw sa Facebook page ni Senator Joel Villanueva at sa pabalita ng Senate of the Philippines

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -