PINURI ni Senador Risa Hontiveros ang mga dating mahistrado na sina dating mahistradong Adolfo Azcuna, dating chief justice Hilario Davide Jr. , dating justice Vicente Mendoza sa ginawang unagn pagdinig sa Resolution of Both Houses No. 6.
Aniya, “Isang karangalan ang makinig at matuto sa ating mga pinagpipitagang Mahistrado — Justice Azcuna, Justice Davide, at Justice Mendoza — para sa ating pagdinig tungkol sa Charter Change.
“In any case, hindi nabawasan ang pag-aalala ko sa mga probisyon ng batas na nais amyendahan ng Resolution of Both Houses # 6.
Dagdag pa niya, “Patuloy akong magbabantay na hindi mahaluan ng mga panukalang magpapahina lang sa ating demokrasya.
“I will definitely be one of those who will not allow any provisions that will make our critical industries, institutions, irreplaceable resources, vulnerable to foreign takeover and exploitation!
“Hindi ChaCha ang solusyon sa ating mga kinakaharap na problema.”
Nauna rito, sa kanyang opening statement ay ito ang kanyang pahayag, “Maraming salamat po sa inyo. Salamat kasi ang hearing natin na ito para sa Resolution of Both Houses (RBH) 6, ay tanda na parang suspended rin muna ang diskusyon dito sa Kongreso nyang huwad na People’s Initiative. Kaya sana nga yung temporary suspension ng Comelec ng mga proceedings sa PI, maging permanent na rin. Itapon na natin sa basurahan yang PI na yan.
“In any case, dear colleagues, hindi po nabawasan ang pag-aalala ko sa mga probisyon ng saligang batas na nais iamyenda ng RBH 6. Kaya salamat po sa pagkakataong pag-usapan ito, dahil magbabantay talaga ako na hindi tayo mahaluan ng mga panukalang mag-papahina lang sa ating demokrasya.
Sabagay, mas madali kasing sisihin ang walang kamalay-malay na dokumento kaysa sisihin ang mga totoong dahilan: korapsyon, red tape, malabong burukrasya, at mataas na singil ng kuryente ang nagtataboy sa mga lokal at dayuhan na investor. Walang pananagutan ang 1987 Constitution sa mga bagay na yon.
Una sa lahat, yang sinasabi nilang Restricitve- Restricitve diumano, hindi po yan totoo. Bukas na bukas na po ang ating tindahan, ladies and gentlemen. We have introduced numerous legislation that have already liberalized our sectors. Ilan lang dito ang RA 10641, or amendments to the Foreign Bank Liberalization Act, the Retail Trade Liberalization Act, the Public Service Act, the Foreign Investments Act. So much of the Philippine economy is already open to foreign participation.
Kung restrictions lang sa ekonomiya ang pag-uusapan, yung ating kapitbahay na Singapore, namamayagpag kahit na may restrictions sa critical industries at public utilities. Ang ibang bansa sa Asean gaya ng Thailand at Indonesia, may kanya kanya ding industriya na inaalagaan. E tayo? Kulelat pa rin, kahit maluwag na nga ang ekonomiya at marami nang probisyon para makapasok ang pera.
Kaya hindi po solusyon ang ChaCha, kahit sa sabi nilang purely economic provisions, para bawasan ang mga tunay iniinda natin. Yung mismong roadmap nga ng pamahalaan sa pag-unlad, ang Philippine Development Plan 2023-2028, wala ding nabanggit na dapat mag-ChaCha para dumami ang trabaho, puksain ang kahirapan at pataasin ang kalidad ng buhay ng bansa. Wala ito sa napag-usapan.
Kaya wag sana nating gawing collateral damage ang Konstitusyon, ang mismong kaluluwa ng bansa. We, the Filipino people, will determine our destiny, hindi yung ambisyon lang ng iilan.
Hindi rin natin hahayaang mabalewala ang pagsisikap ng ating mga mamamayan, ng civil society, mga mass movements na gumawa ng paraan para magkaroon ng totoong pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng lehitimong paraan, kaysa sa ginagawa ng mga ilehitimong pwersa dyan sa tabi-tabi na tinira tayo nang pailalim. Halaw sa Facebook page post ni Senador Risa Hontiveros at sa pabalita ng Senate of the Philippines