30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Pahayag ni Sen Hontiveros sa paglulunsad ng Koalisyon laban sa Charter Change

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senador Risa Hontiveros sa paglulunsad ng Koalisyon Laban sa Charter Change nitong Pebrero 14, 2024 sa Pedro Calungsod Youth Center, Archdiocese of Manila, Intramuros.

Larawan mula sa Facebook page ni Senator Risa Hontiveros

“Magandang umaga sa mga kasama sa Koalisyon Laban sa Cha cha at sa lahat ng sumama sa amin sa makasaysayang araw na ito.

“Mayroon akong sasabihin. At napakagaan sa loob kong sabihin: Na ito ang tunay na unity. Di ba? Tama ba?

“Ang pagkakaisa ng taumbayan na lalaban para sa kapakanan ng nakararami, hindi para lang sa interes ng iilan.

“Sumali ako sa koalisyon na ito dahil kagaya ng mga kasama nating mga obispo, pari, pastor, madre, kababaihan, kabataan, manggagagawa, maralita at iba pang batayang sektor, nakita kong kailangan nating magsama-sama lalo ngayong ang mismong kaluluwa ng ating bayan ang tinatangkang patayin.

Ano na lang ang kahihinatnan natin kung manonood lang tayo sa nagbabadyang dilim? I — we in this coalition — cannot and will not stand idly by as some threaten to suck out the soul of our nation. Kami, kasama ang nakararaming Pilipino, ay nagkaisa na hindi namin hahayaan ang pambababoy sa ating Konstitusyon sa pag-andar na naman ng Cha cha.

“Ang turo nga sa atin: Kung matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya. Ngunit kapag ang nangunguna ay masama, bayan ay lumuluha.

“But we’ve had enough of crying over broken hearts and promises. Kaya papahirin na natin ang ating luha at buong-loob na papasanin ang krus ng laban kontra sa Cha-cha para ang ating bayan ay maging tunay na bayang magiliw.

“Inaanyayahan ko ang lahat na sumama sa aming patuloy na pakikinig sa tunay na mga hinaing ng ating mga kababayan. Dumalo at magpadalo kayo sa mga susunod pang pagtitipon sa mga eskwelahan, simbahan at komunidad para lalong palalimin ang ating pagninilay sa napakahalagang isyu na kinakaharap ng ating bayan.

“Samahan niyo rin sana kami sa pagdarasal para dinggin din ng mga nasa poder ang daing ng mga ordinaryong tao. Bantayan nating lahat ang buong proseso ng Cha-cha. At siyempre, sana ay makiisa kayo sa iba pang pagkilos ng iba’t-ibang grupong tumututol sa Cha cha.

To end, gaya ng awit, at panalangin na rin: May ChaCha’s days be numbered, and may the leadership of the people take its place.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -