NAG-POST si Senate President Miguel Juan Zubiri sa kanyang Facebook page ng kanyang pagkondena sa nakamamatay na pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa isang cargo ship malapit sa Yemen, na humantong sa pagkamatay ng dalawang Pilipino crewmen at pagkasugat ng dalawa pa. Ito ay isang pagkilos ng terorismo, payak at simple — ang pagsasagawa ng karahasan at kamatayan sa mga sibilyan na nagsisikap lamang na maghanapbuhay sa karagatan. Walang dahilan para bigyang-katwiran ang brutalidad na ito.
Dagdag pa ni Zubiri, “My deepest condolences go to the families of the victims, and I join them in calling for justice for their loved ones. I also call on the Department of Migrant Workers to see to the return of the victims to their families, and to extend the necessary assistance to the injured crewmen.”