28.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Real Property Valuation and Assessment Reform Act aprubado na sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ipinasa na sa Senado ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act na siya ang principal author.

Aniya sa kanyang Facebook page, “Aprubado na po sa Senado ang ating Real Property Valuation and Assessment Reform Act, na isa sa mga prayoridad na panukala ng administrasyon. Dito, makakagawa tayo ng standard na sistema ng pagtalaga ng halaga ng real property.

“Sa ganitong paraan, mapag-iisa natin ang valuation ng mga LGU at ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Mas madali at mas maaasahan na ang mga real property values, at hindi na magkakagulo ang ating valuation.

“Sa pag-aalis ng RPVARA sa mga conflicts sa valuation, pinadadali nito ang mga business transactions at paglikom ng reasonable na buwis.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -