26 C
Manila
Martes, Oktubre 8, 2024

Ulat ni Sen Villanueva

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng ulat si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa mga naganap nitong Lunes sa Senado sa kanyang Facebook page.

Aniya, “Naging makabuluhan po ang sesyon natin ngayong Lunes. Pasado na po sa third reading ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA) na naglalayong ayusin ang pagtatalaga ng market value ng mga real properties sa bansa.

“Kinilala rin po ng Senado ang ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng Korea at ng Pilipinas ngayong araw. Nagpapasalamat po tayo sa kooperasyon ng dalawang bansa lalo na pagdating sa edukasyon at training.

“Nagbigay-pugay rin po tayo kay Dr. Carmencita Padilla na ginawaran ng Order of the National Scientist Award.

“Inumpisahan na rin natin ang period of interpellation ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) para mapanagot ang gumagawa ng iba’t ibang mga financial scams. Naisponsoran na rin po ang Government Procurement Reform Act. Tinalakay rin po natin sa plenaryo ang iba pang mga mahahalagang paksa katulad ng Rare Diseases Day at mga anomalya sa National Food Authority. Mga larawan mula sa Facebook page ni Senator Joel Villanueva

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -