28.7 C
Manila
Martes, Disyembre 3, 2024

Pagiging batas ng No Permit, No Exam Prohibition Act at ng New Passport Act, ipinagmamalaki ni Sen Jinggoy

- Advertisement -
- Advertisement -

“BILANG mambabatas, ipinagmamalaki ko ang pagkakaroon ng mahalagang papel sa pagpasa ng mga landmark bills na ito — ang  New Philippine Passport Act at ang No Permit, No Exam Prohibition Act,”sabi ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada.

Dagdag pa niya, “Sa pamamagitan ng pagmando sa Department of Foreign Affairs (DFA) na lumikha ng online application portal at electronic one-stop shop, naging madali ang pag-apply ng passport at mas epesyente para sa ating mga kababayan. Bukod dito, pinahihintulutan ng batas na ito ang offsite at mobile passport services, ibig sabihin ang mga Pilipino sa iba’t-ibang rehiyon sa Pilipinas ay madaling makapag-aapply para magkaroon ng passports”

Samantala, sa ilalim ng RA 11984 o ang No Permit, No Exam Prohibition Act, tinutugunan nito ang madalas na kinakaharap ng mahihirap na mga mag-aaral na nagiging hadlang sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Sabi niya, “No student should be denied the opportunity to demonstrate their knowledge and skills mainly due to financial constraints. This law places a strong emphasis on promoting fairness and inclusivity within our education system.”

Si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ay co-author at co-sponsor ng SB 2001 o ng New Philippine Passport Act at SB 1359 o ng No Permit, No Exam Prohibition Act.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -