INIULAT ni Majority Floor Leader Joel Villanueva ang mga pinakahuling pangyayari sa Senado nitong Miyerkules, Marso 20.
Aniya, “Naging produktibo po ang huling araw ng sesyon ngayong Miyerkules. Natapos na po natin ang period of interpellations ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na naglalayong hadlangan ang krimen kaugnay ang iba’t ibang mga online financial institutions at amendments to the Motorcycle Crime Prevention Act. Pinagpatuloy rin po natin ang period of interpellations ng Government Procurement Reform Act.”
Dagdag pa niya, “Labing-isang panukalang batas din ang naisponsoran sa plenaryo na nagdedeklara ng mga protected areas sa iba’t ibang lugar sa bansa. Kasama rin po sa mga naisponsoran ang Cannabis Medicalization Act of the Philippines at ang Philippine Corn Industry Development Act.