27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Pahayag ni Sen Hontiveros sa kanselasyon ng DENR sa SBSI’s land use agreement

- Advertisement -
- Advertisement -

ISA sa mga rekomendasyon ko sa pagdinig tungkol sa Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) ang pagkansela ng kasunduan nila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Kasabay nito ang pagtiyak na magkaroon ng maayos na reintegration and rehabilitation plan parasa komunidad.

Dapat mag tulong-tulong ang ating mga ahensiya, kasama ang lokal na pamahalaan ng Socorro at Surigao del Norte, para mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan ng Kapihan. Mga biktima din sila ng kahirapan na napilitang kumapit sa mga pangako’t panloloko ni Senior Agila.

Tulad ng ipinahayag ko sa aming mga hearing, dapat magkaisa ang Estado para matiyak na ang bawat miyembro ng Kapihan ay makapamuhay ng may dangal at dignidad.

Nais ko ring ipanawagan sa mga taga-Kapihan na mag-cooperate sa awtoridad sa prosesong ito. We only wish for them to live in safety, freedom, and genuine peace.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -