27.8 C
Manila
Biyernes, Setyembre 13, 2024

Mga nagsipagtapos sa Bulacan, nagpasalamat sa mga Cayetano sa tagumpay ng Tesda training

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAPOS makumpleto ang kanilang pagsasanay sa Technical Education and Skills Development Authority o Tesda, 105 mag-aaral mula sa Bulacan ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat kina Senators Alan Peter at Pia Cayetano para sa kanilang suporta at pagtulong sa mga iskolar.

Nitong April 11, 2024, nagbigay ang magkapatid na senador ng apron, t-shirt, at tool kits bilang regalo sa mga nagsipagtapos na ginanap sa Richwell Colleges Events Center sa Plaridel, Bulacan.

Ipinaabot ni Josefino Franzuela, iskolar sa ilalim ng programang Cookery-National Certification Level II (NC II), ang kanyang pasasalamat sa mga Cayetano.

“Buong puso po ako nagpapasalamat kina Senador Alan at Pia Cayetano na nakatulong sa amin, gamit ang mga adhikain na ito,” wika niya.

“Isang dagdag kaalaman ito sa mga nagnanais magtrabaho na ang libangan ay pagluluto. Ngayon pagpupursugihin ko na po ito. Ito’y nakakasigla ng puso,” dagdag niya.

Ang mga nagsipagtapos ay sumailalim sa pagsasanay ng dalawang programa ng Tesda: ang Training for Work Scholarship Program (TWSP) at ang Special Training for Employment Program (STEP).

Nakatuon ang TWSP sa paghuhulma sa mga mag-aaral upang maging bihasang manggagawa para sa priority sector. Hatid nito ang mga kursong Hilot (Wellness Massage), Housekeeping, at Cookery.

Sa kabilang banda, binibigyang-daan ng STEP ang mga mag-aaral na makapagsimula ng negosyo at matutunan ang mga kasanayang pang-serbisyo. Hatid nito ang mga kursong Shielded Metal Arc Welding (SMAW), Cookery, at Bread and Pastry Production.

Dumalo sa seremonya sina Bulacan Second District Representative Ditse Pancho, Richwell Colleges Inc. President Romeo Dela Rosa, Richwell Colleges Inc. Vocational Department Head Richel Kalaw, at Tesda Bulacan Provincial Director Melanie Grace Romero.

“Laking pasasalamat po namin kina Senador Alan at Pia. Pinatunayan niyo po na hindi natutulog ang gobyerno,” saad ni Romero.

“Kayo ang nagtutulak para magkaroon ng scholarship at makapagbigay ng ganitong karaming libreng pagsasanay,” dagdag niya.

Kasama ang Tesda, patuloy na itinataguyod nina Senator Alan Peter at Pia Cayetano ang kahalagahan ng sertipikasyon at kung paano ito makakatulong sa tagumpay ng bawat Pilipino.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -