25.8 C
Manila
Martes, Disyembre 3, 2024

Groundbreaking ng P40-M onion cold storage facility sa Bulalacao, isinagawa

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINAGAWA kamakailan ang ground breaking ceremony ng itatayong onion cold storage facility sa bayan ng Bulalacao mula sa Department of Agriculture (DA) Mimaropa sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP) na nagkakahalaga ng P40 milyon.

LARAWAN MULA SA DA-RFO MIMAROPA

Ang onion storage facility na ito ay may kakayahang mag-imbak ng sibuyas na hanggang 20,000 bags o may katumbas na 540 metriko tonelada.

Ginanap ang groundbreaking ceremony sa Barangay Poblacion sa bayan ng Bulalacao na pangagasiwaan ng Bulalacao Development Cooperative (Budeco).

Ang pasilidad ay nahahati sa apat na bahagi na kung saan may dalawang silid na maaaring pagimbakan ng 10,000 bags ang bawat isa, opisina para sa mga transaksyon kasama ang machine room at loading area na nakatakdang itayo sa loob ng 240 calendar days o walong buwan.

Sinabi ni HVCDP focal person Renie Madriaga na “Ito na ang sagot sa mga kinakaharap nating problema tulad ng mababang farm gate price na pwede na rin tayong maglagak ng mga inaning sibuyas sa cold storage hanggang walong buwan. Sana magamit ito ng tama at maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat isa.”

Dagdag pa ni Madriaga na sa pamamagitan ng pag-iimbak sa pasilidad ay mapapanatili nito ang kalidad, mapapahaba ang shelf-life, at maiiwasan ang mabilis na pagkasira ng mga sibuyas.

Dumalo sa nasabing okasyon ang kinatawan ng ikalawang distrito sa kongreso na si Cong. Alfonso ‘PA’ Umali, Jr., Municipal Mayor Ernilo Villas, Provincial Agriculturist Christine Pine, Municipal Agriculturist Rommel De Guzman, at iba pang miyembro ng kooperatiba sa pangunguna ni Chairman Dyna Krissle Cantos. (DN/PIA Mimaropa – Oriental

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -