26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

3 OFWs, patay sa matinding baha sa UAE

- Advertisement -
- Advertisement -
INIULAT kagabi, 7ng, Abril 18, ng Department of Migrant Workers
(DMW) ang masamang balita na tatlong OFWs ang namatay dahil sa matinding baha sa United Arab Emirates (UAE). Ang dalawa sa kanila ay nasuffocate sa loob ng sasakyan samantalang ang isa pang biktima ay nagtamo ng major injury at kalaunan ay namatay matapos malaglag ang sasakyan sa sinkhole.
Nakikiramay sina DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac at ang buong pamilya ng DMW sa mga pamilya ng mga nasawing OFWs. Sinisiguro din nila ang tulong na kanilang maibibigay sa mga naulila.
Ang mga tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Dubai at Abu Dhabi at nagbibigay ngayon ng tulong sa kanila.
Nauna rito, naiulat ang pinakamalakas na buhos ng ulan sa UAE nitong Abril 17 sa nakalipas na 75 taon. Katumbas ng dalawang taong pag-ulan ang lakas ng ulan na naranasan sa Dubai, na isa sa mga lugar na maraming residenteng Pinoy at Overseas Filipino workers (OFWs).
Nasa isang milyong Pilipino ang naka-base sa UAE at tinatayang 450,000 dito ang naninirahan sa Dubai.
Nagmistulang ilog daw ang mga kalsada sa Dubai — lumutang ang mga sasakyan at pinasok ng tubig ang mga bahay at ilang establisyemento kaya tumigil ang operasyon sa airport at mga istasyon ng tren. Dahil dito, marami ang na-stranded na mga tao sa kalsada at train stations, kabilang na ang mga kababayan nating OFWs.
Patuloy na nakikipag-ugnayan si Sen. Idol Raffy Tulfo sa DMW para imonitor ang kalagayan ng mga Pilipino doon.
Ayon sa DMW-OWWA Migrant Workers’ Office sa Dubai, nakahanda na ang ahensya upang magdistribute ng relief goods para sa mga nakatira sa apektadong lugar.
Bilang Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, hangad ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang kaligtasan ng mga Pilipino sa UAE, kaya pinapayuhan niya ang ating mga kababayan doon na maging mapagmasid, maging alerto. Maging updated din sa mga balita at sumunod sa mga sinasabi ng awtoridad.
Kung may kakilala kayo na nangangailangan ng tulong dahil sa insidenteng ito, maaring ipagbigay alam at tumawag sa DMW Hotline +63 2 88186047 o mag email sa [email protected].
Teksto at larawan mula sa Facebook page ni Senator Raffy Tulfo
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -