MULING inihayag ni Sen. Cynthia Villar ang kanyang pangakong iingatan ang Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP) at pipigilan ang defacement, exploitation at pagkasira nito o anumang panghihimasok dito.
“This wetland park is very dear to me. Not only did I help build the facilities you find here, but I also vigorously pushed for the declaration of this wetland as a protected area in 2018 under RA No. 11038 or the Expanded NIPAS Act,” ani Villar sa Beach Clean-Up sa LPPWP na inorganisa ng PepsiCo Foods, Inc., at Plastic Credit Exchange (PCEx),nitong Lunes, April 15.
Sa ilalim ng Ramsar Convention, kinilala ang parke na Wetland of International Importance.
“This wetland park serves as a critical coastal habitat and a key biodiversity site, sheltering a variety of water birds, including migratory species on the East Asian-Australasian Flyway. It is home to 159 species of birds, 23 mangrove species, and numerous fish species and mollusks of economic importance,” sabi pa ni Villar.
Malaki rin ang ginagampanang papel ng LPPWP na may 36 ektaryang mangroves sa paglaban sa baha, high tides at storm surges. Sinusuportahan din nito sng libu-libong mangingisda at urban poor families na umaasa sa wetland para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Inamin din ng chairperson ng Senate committee on environment na hanggang ngayon, inaalala pa rin nila ang panukalang reclamation projects sa lugar.
Nagbabala rin siya na sagabal ang mga proyektong ito sa daloy ng tubig sa Manila Bay mula sa anim na ilog – Parañaque, Las Piñas, Zapote, Molino, Bacoor at Imus Rivers na magreresulta sa pagbaha.
“While reclamation is being packaged to create more space for urban development, its negative impact on the environment cannot be ignored in light of the climate crisis we are facing,” ani Villar.
“Further, reclamation can lead to the destruction of marine ecosystems, loss of biodiversity, increased sea level rise, displacement of communities, and a buildup of water pollution,” dagdag pa niya.
Igiit din ng senador na para tugunan ang problema sa plastic waste, principal author at sponsor siya ng Extended Producer Responsibility (EPR) Act o RA No. 11898, na naging epektibo noong 2022.
“In a nutshell, the EPR Act requires large enterprises that produce plastic packaging, just like PepsiCo, to ensure the proper recovery, recycling, or disposal of this waste, after it has been sold to and used by consumers.”
Sinabi ni Villar na encouraging na makitang sumusunod sa batas ang malakaking kumpanya gaya ng PepsiCo at ipinapakita ang ambag ng producer responsibility sa sustainable future.
“I learned that PepsiCo is not just collecting and diverting its plastic waste but it is also adopting more sustainable practices like investing in initiatives like the ‘Aling Tindera’ Waste-to-Cash Program by Plastic Credit Exchange (PCEx), which promotes a circular economy.”