27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Pahayag ni Sen Bong Go hinggil sa mga akusasyon na may ilang mga doctor na may mga share sa mga pharma company operating a multi-level marketing system

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPAHAYAG si Senator Bong Go na nakababahala ang mga akusasyon sa ilang mga doctor na may mga share sa mga pharma company na nag-ooperate ng multi-level marketing system.

Simula ni Sen Go, “The news reports on some doctors allegedly owning some shares in a pharmaceutical company and prescribing medicines manufactured by their own said company are worrisome.

“Kaya panawagan ko sa DoH, PRC at iba pang ahensya ng gobyerno, at maging mga medical professional associations na tingnan kung totoo ba ang mga ulat na ito. Hindi katanggap tanggap kung may conflict of interest at paglabag sa ethical standards sa medical profession ang ganitong gawain dahil buhay ng kapwa Pilipino ang nakasalalay dito.

“Bilang chair ng Senate Committee on Health, interes kong masiguro na hindi nailalagay sa alanganin ang buhay at kalusugan ng mga kababayan natin, lalo na ang mga mahihirap na mga Pilipinong halos ayaw ngang magpatingin sa doktor dahil ultimo pamasahe at pambayad sa doctor’s fee ay wala.

“Merong inilabas kahapon ang DoH na Department Circular No. 2024-0141, dated April 22, 2024, addressed to all concerned to uphold professional and ethical standards, among others, regarding the promotion and marketing of prescription pharmaceutical products and medical devices. Dapat na maipapatupad ito ng maayos, hindi hanggang memo lang! Dapat DoH officials mismo ang maging magandang halimbawa.

“Ngayong April 30 ay papangunahanan natin ang hearing ng Senate Committee on Health. Isa ito sa pag-uusapan natin bukod sa patuloy na pagbantay natin sa ‘State of Public Health Services’ sa bansa.

“Sisilipin ng komite ang katotohanan ng mga reports na ito at posibleng pagkukulang at pananagutan sa hanay ng DoH at iba pang concerned agencies sa ilalim ng ating mga kasalukuyang batas at regulasyon. Pag-aaralan din ang posibleng pag-amyenda o pagpasa ng mas striktong regulasyon upang mas lalong mapangalagaan natin ang integridad ng ating medical profession tungo sa pagprotekta ng buhay at kalusugan ng bawat Pilipino.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -