26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Magkapatid na Cayetano, aaksyon laban sa tabako at e-cigarette

- Advertisement -
- Advertisement -

AAKSYUNAN nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang mga kontrobersiya hinggil sa pagtanggap ng Pilipinas ng ikalimang “Dirty Ashtray” award sa Conference of Parties o COP10 ng World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control o WHO FCTC noong nakaraang Pebrero.

Nagsagawa ang magkapatid na senador ng second hearing ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Abril 24, 2024. Sa sesyon na ito, binigyang pansin ng mga senador ang bilang ng mga delegado ng Pilipinas na dumalo sa kumperensya at tinalakay ang iba pang isyu hinggil sa pagsugpo sa tabako at paggamit ng e-cigarette.

Nauna nang sabihin ni Senador Alan sa unang hearing noong February 21, 2024 na ang problema ay ang pagprisinta sa bansa bilang “anti-tobacco” ngunit ang mga aksyon naman ng delegasyon ay “pro-tobacco.”

“Let’s not say we are protecting the tobacco farmers here. Only P1 billion goes to the farmers but P159 billion goes to the tobacco capitalists,” saad niya.

“We can help the farmers to plant something else. Marami pong technology ang Thailand, Vietnam, Israel. We have the money to support the farmers,” dagdag pa niya.

Sumang-ayon dito si Senador Pia, ang unang babae na naging chairman ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee, at humiling din ng rekonsiderasyon hinggil sa posisyon ng bansa sa regulasyon ng tabako.

“We do not want to harm the country’s reputation. We’ve received it (Dirty Ashtray Award) for five years already,” aniya.

Sa unang pagdinig noong February, ipinunto ni Senador Pia ang patuloy na paggamit ng e-cigarette ng mga Pilipino, partikular na ng mga kabataan. Sinabi niya na kahit inilalako ito bilang isang paraan para tumigil sa paninigarilyo, ang disenyo at lasa nito ay nagtatago ng tunay na antas ng nicotine.

“There were a lot of reported cases… they are known as EVALI cases. Ito yung e-cigarettes or vaping use associated lung injury. Nakakamatay at nakakasira ng buhay ng mga tao, including ang mga kabataan natin,” aniya, na itinutukoy ang Electronic Cigarette or Vape-Associated Lung Injury.

Binanggit din ni Senador Pia sa mga kinatawan ng Department of Health o DoH kung paano nilabag ng marketing ng ganitong mga produkto ang Article 9 at 10 ng WHO FCTC. Tinatalakay sa mga artikulong ito ang testing, measuring, at pagsasapubliko ng nilalaman ng mga produktong tabako sa publiko.

“Do we have the political will to test these products, to ensure that the emissions and the contents of these products would be made known to the public?” wika niya.

Patuloy ang adbokasiya ng magkapatid na senador laban sa paninigarilyo at pag-vape dahil napatunayan na ang mga epekto nito at panganib sa kalusugan ng mga tao.

Bukod kontrobersiya sa likod ng “Dirty Ashtray” award, tatalakayin din sa pagdinig sa Miyerkules ang patuloy na pagtaas ng paggamit ng e-cigarette ng mga kabataan at susuriin ang mga pagsisikap ng pamahalaan sa pagsugpo ng tabako, pati na rin ang mga hakbang ng gobyerno na naglalayong pigilan ang paggamit ng e-cigarette.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -