28.4 C
Manila
Biyernes, Setyembre 13, 2024

Vilar : Agri engineers, isusulong ang industry growth

- Advertisement -
- Advertisement -

KINILALA ni Senator Cynthia Villar ang Philippine Society of Agricultural Engineers sa kanilang mga pagsisikap na makamit ang isang ‘food secured-Philippines.’

“Your help and expertise will go a long way in moving our agriculture sector forward,” ayon kay Villar.

“We have to expand economic opportunities for those who are engaged in agriculture such as our small farmers and fisherfolks as they are the ones providing us with food on our tables,” dagdag pa niya.

Pinahayag ni Villar namahalaga para sa food security ang demand sa agricultural production.

Sanhi nito, iginiit niya na kailangan nating ipagpatuloy ang pagtutulungan para tumaas ang ating agricultural production.

Guest Speaker si Villar, chairperson ng Senate committee on Agriculture and Food, sa pagbubukas ng 73rd Philippine Society of Agricultural and Biosystems Engineers (PSABE) Annual National Convention, aa 35th Philippine Agricultural Engineering Week Celebration at 19th International Agricultural Engineering Conference na ginanap sa Legazpi City noong April 22-27.

Binanggit din ni Villar namaraming hamon sa ating agriculture sector at ang bagong paraan at determinasyon ng ating mga Agricultural Biosystems Engineer ay malaki ang maitutulong sa pagresolba sa mga ito.

Kabilang sa mga hamon ay ang sumusunod- mga nasayang na agricultural product dahil sa pagkapanis, limited connection gaya ng mga kalsada, tulay at logistics sa production area at mga merkado at kakulangan sa post-harvest technology na kalimitan ay imported.

Inihayag din niya ang vulnerability sa extreme weather events gaya ng tagtuyot at mga bagyo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -