26 C
Manila
Martes, Oktubre 8, 2024

Kadiwa ng Pangulo, programang pangkabuhayan at payout, handog ng DoLE

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGLATAG ng iba’t ibang programa sa buong bansa ang Kagawaran upang parangalan at bigyang oportunidad ang mga manggagawa. Kabilang sa mga ito ang Kadiwa ng Pangulo, pagbibigay-sahod sa mga manggagawa sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (Tupad) workers, at paggawad ng tulong-panghanapbuhay sa mga benepisyaryo ng DoLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Ang Kadiwa sa taong ito ay gaganapin sa 103 lugar sa buong bansa sa layunin na mas ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga manggagawang Pilipino.

Samantala, 673,519 benepisyaryo sa ilalim ng programang pansamantalang trabaho ng Kagawaran, o Tupad, ang tatanggap ng kanilang sahod na may kabuuang halaga na mahigit P3.363 bilyon.

Ang Tupad ay isang tulong sa komunidad kung saan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho ay binibigyan ng pansamantalang trabaho mula 10 hanggang 90 araw, at may sahod na nakabatay sa pinakamataas na umiiral na minimum na sahod sa rehiyon.

Nakatakda ring igawad ng Kagawaran ng Paggawa, sa ilalim ng DILP o DOLE-Kabuhayan Program, ang mahigit P699 milyong halaga ng tulong-pangkabuhayan sa 35,311 marginalized na manggagawa sa buong bansa.

Sa ilalim ng DILP, ang mga benepisyaryo na kabilang sa disadvantaged sector ay mabibigyan ng tulong-pangkabuhayan na kanilang magagamit para sa pagsisimula, pagpapahusay, o muling pagtatayo ng kanilang nawalang kabuhayan.

Ang pagdiriwang ngayong taon sa ika-122 Araw ng Paggawa ay may temang, “Sa Bagong Pilipinas: Manggagawang Pilipino, Kabalikat at Kasama sa Pag-Asenso,” na nagbibigay-pugay sa mga manggagawang Pilipino bilang kaagapay ng pamahalaan sa paglikha ng trabaho, pagtataguyod sa karapatan sa mundo ng paggawa, at pagbubuo ng inklusibong proteksyong panlipunan sa mga nangangailangang manggagawa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -