DUMALO si Senador Lito Lapid sa paglagda ng alliance agreement sa pagitan ng Nationalist People’s Coalition at Partido Federal ng Pilipinas sa Legazpi Village, Makati City, nitong Sabado, May 18, 2024.
Ang kasunduan na sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos ay may temang “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas”. Kasama sa signing ceremony sa alyansa ng dalawang partido sina NPC chairperson at former Senate President Tito Sotto at PFP president at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr. at Ilocos Norte Cong. Sandro Marcos.
Kabilang sa NPC members sa Senate sina Senador Lapid, Senate President Protempore Loren Legarda, Sen. Win Gatchalian at iba pa.
“Ang nangyaring kasunduan sa pagitan ng NPC at PFP ay higit pang magpapa-tibay sa adhikain ni Pang. Marcos na makamit ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa Bagong Pilipinas,” ayon kay Lapid.