27.8 C
Manila
Biyernes, Setyembre 13, 2024

Pagiging MICE Tourism Capital ng Pilipinas hangad ng Puerto Princesa

- Advertisement -
- Advertisement -

HANGAD ng pamahalaang panlungsod na maging Meetings, Incentives, Conferences, Exhibitions o MICE Tourism Capital of the Philippines ang Puerto Princesa sa hinaharap.

Ito ang binigyang-diin ni Mayor Lucilo Bayroon sa kanyang mensahe sa ginanap na 4th Community-Based Sustainable Tourism (CBST) Convention 2024 noong Mayo 22.

Si Mayor Lucilo  Bayron habang nagbibigay ng kanyang mensahe na ginanap na CBST Convention 2024 sa Lungsod ng Puerto Princesa. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

“Sa ngayon ay hindi na lamang eco-tourism ang ating turismo sa lungsod ng Puerto Princesa, mayroon na tayong MICE Tourism. Napakaganda ng ating future sa MICE Tourism, siguro dapat malaman ninyo na pinupursige ng pamahalaang panlungsod, na kailangan pagtulungan natin ito na gawin ang Lungsod ng Puerto Princesa na MICE Capital ng buong Pilipinas,” pahayag ng alkalde.

Upang matupad ito, inilatag ni Bayron ang kanyang mga plano tulad ng pagdi-develop ng Environmental Estate sa Brgy. Santa Lucia at Cuito area.

Sa paliwanag ni Bayron, ilan sa development na isasagawa ng pamahalaang panlungsod ay ang pagtatayo ng mga convention centers kung saan isa rito ay kayang mag-accommodate ng nasa 30,000 katao. Magtatayo ng mga hotel na malapit sa convention centers upang maiwasan ang trapiko gayundin ang pagtatatag ng night time economy.

Sa bahagi naman ng Environmental Estate, magtatayo aniya dito ng Balayong tree park, golf courses na may hotel, health spa para sa hot spring, 146 hectares na manmade lake, shooting range, at open zoo.

Samantalang ang Cuito area naman kapag nailipat na ang mga coastal dweller ay ire-reclaim ito para sa pagtatayo ng convention centers, pantalan at cable car system na magkokonekta sa Sta. Lucia Environmental Estate.

Ayon pa sa alkalde, maglalagay din sa lugar ng sea ferry na karagdagang transportasyon ng mga turista patungo sa Environmental Estate at pabalik ng Cuito area. Magagamit din ang sea ferry para sa bay cruise.

“Medyo ambisyoso, medyo matayog ‘yong pangarap, pero mayroon tayong mga kasalukuyang katangian at saka mga facilities na mayroon tayo na pwede talaga nating makamtan na gawing MICE tourism capital ang Puerto Princesa,” dagdag na pahayag ng alkalde.

Sa kasalukuyan ang turismo ang numero-unong industriya ng lungsod dahil sa natural na kagandahan nito at kayamanan sa biodiversity. (OCJ/PIA Mimaropa-Palawan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -